P522 M Supplemental Budget No.2 Inaprubahan

  1.jpg

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod sa regular session nito kahapon, June 29, ang ordinansang naglalaan ng halagang P522 milyon para sa Supplemental Budget No.2 ng Batangas City para sa calendar year 2020.

Ang funding sources ay manggagaling sa surplus mula sa General Fund-Proper na nagkakahalaga ng P480.8 milyon, General Fund-Colegio ng Lungsod ng Batangas, P26 milyon at General Fund-City Market Office, P15 milyon.

Ang pagpasa ng nasabing appropriation ordinance ay sinertipikahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na urgent sa session ng konseho noong June 23.

Bago ito ay nagsagawa ng committee hearing ang Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Coun. Alyssa Cruz bilang chairman. (PIO, Batangas City)