Quarantine pass violators, hinuli

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Humigit kumulang sa 100 katao na lumabag sa ordinansa hinggil sa paggamit ng quarantine pass (QP) ang hinuli ng magkasanib na pwersa ng Batangas City PNP, mga tauhan ng DSS at TDRO at ng EBD Monitoring Team ngayong araw, August 14.

Ito ay ang Ordinance No. 12 S 2020 o ang “An ordinance adopting the guidelines for the implementation of General Community Quarantine (GCQ) in Batangas City providing penalties for violation thereof and for other purposes”.

Ang mga ito ay mga residente ng ibat-ibang barangay na nahuli sa luma at bagong palengke, Calicanto, Pallocan West at sa kahabaan ng D. Silang at MH Del Pilar St. Sila ay isinakay sa bus at dinala sa Plaza Mabini kung saan pinapaliwanagan ng mga pulis tungkol sa paggamit ng QP. Kahit nasa ilalim ng general community quarantine ang lungsod, mahigpit na ipinatutupad ni Mayor Beverley Dimacuha ang istriktong paggamit ng QP tuwing lalabas ng bahay upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ang QP ay gagamitin mula Lunes hanggang Byernes at maging Sabado at Linggo.

Magsasagawa ng community service ang naturang mga violators bilang penalty. (PIO Batangas City)