- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kahalagahan ng breastfeeding, tinalakay sa online seminar ng Nutrition Division
- Details
- Tuesday, 01 September 2020 - 4:03:52 PM
Isang online seminar ang isinagawa ng Nutrition Division ng City Health Office (CHO) na naglalayong mapalakas ang kampanya sa breastfeeding, August 28. Ang nasabing gawain ay bilang paggunita sa National Breastfeeding Awareness Month tuwing buwan ng Agosto.
Ito ay may temang "I-BIDA ang Pagpapasuso Tungo sa Wais at Malusog na Pamayanan! Tinalakay dito ang component ng breast milk, kahalagahan ng breastfeeding at kung ano ang tamang paraan ng pagpapasuso.
Ayon kay Nutrition Officer Eva Mercado, mas mainam na gatas ng ina ang ibigay sa mga sanggol dahil taglay nito ang ang sapat na nutrisyon upang maiwasan ang malnutrisyon. Idinagdag ni City Health Officer Rosana Barrion na ito ang pinakakumpletong pagkain ng isang sanggol sa loob ng anim na buwan mula sa kanyang pagsilang.
Ang gatas ng ina aniya ay siksik sa sustansya at antibodies na panlaban ng sanggol sa sakit. “Sa naranasan nating pandemya ngayon, hindi dapat mag-alala ang mga magulang sapagkat malaki ang maitutulong ng breastmilk upang mapalakas ang resistensiya ng mga sanggol laban sa virus”, ayon kay Barrion.
Binigyang diin naman ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa kanyang mensahe ang “special bond” na mayroon ang ina sa kanyang anak. Patunay aniya dito ang kaso ng isang inang nag positibo sa COVID19 ngunit sa kabila nito ay nagpatuloy sa pagbibigay ng gatas sa kanyang sanggol. Kailangan lamang aniyang sundin ang striktong health protocols tulad ng paggamit ng face mask, pagsanitize ng mga kamay bago at pagkatapos magpasuso.
Wala pa aniyang nakikitang ebidensiya na naipapasa ng ina ang kanyang sakit sa sanggol kung ito ay nagpapasuso.
Samantala, humigit kumulang sa isandaang breastfeeding mothers at mga buntis sa lungsod ang nakilahok sa nabanggit na online seminar. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.