EBD scholarship applicants para sa SY 2020-2021, mahigit sa 7,000

  1.jpg

May 7,494 bagong aplikante ng EBD scholarship program ng pamahalaang lungsod ang naitala ng Mayor's Action Center (MAC) sa pagtatapos ng online application period nito noong August 28.Ang mga ito ay high school at college applicants para sa school year 2020-2021.

Ipinatupad ng MAC ang online application bilang pagsunod sa health and safety protocols kontra COVID 19. Binigyang daan din nito ang aplikasyon ng mga estudyante na edad 21 pababa na hindi pinapayagang lumabas ng bahay alinsunod sa community quarantine quidelines. Sa kasalukayan, tinatawagan sa telepono ang mga applicants para sa interview at evaluation. Pagkatapos maaprubahan ang aplikasyon, maaari na itong magpasa ng kaukulang dokumento para sa final requirements.

Tiniyak ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na kahit may kinakaharap ng pandemya, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng edukasyon ng mga kabataang Batangueño sa pamamagitan ng EBD programa na sinimulan ng kanyang amang si dating Mayor Eddie Dimacuha. Samantala, tinatayang 12, 000 ang EBD scholars noong nakaraang taon. (PIO Batangas City)