Business establishments sa lungsod, binisita ng EBD monitoring team

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Anim na grupo ng Eto Batangueno Disiplinado Monitoring Team (EBDMT) ang nagsagawa ng pagbisita sa mga business establishments sa poblacion ngayong araw, September 1 upang tiyaking nakakasunod ang mga ito sa health and safety guidelines na istriktong ipinatutupad ng pamahalang lungsod.

Ang grupong ito ay kabilang sa 12 karagdagang teams na binuo ni Mayor Beverley Dimacuha na pinamumunuan ni dating konsehal Mando Lazarte. Isang orientation briefing ang idinaos bago ang naturang pagbisita.

Pinaalalahanan ni Lazarte ang mga miyembro ng teams sa bilin ni Mayor Dimacuha na maging magalang sa pakikipag-usap sa sinumang makakaharap mula sa mga business establishments lalot higit sa pagpapatupad ng disiplina para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19. Sinabi niya na mas pinadami at pinalakas ang monitoring team para sa mahigpit at mabilis na implementasyon ng COVID 19 preventive programs sa lungsod. “Ito pong ginagawa natin ay para maisigurong tuloy ang negosyo, tuloy ang trabaho at ang lahat ay protektado laban sa virus”, dagdag pa ni Lazarte.(PIO Batangas City)