- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Worry-free stay sa health facility ng city government, dahilan ng agarang paggaling ng COVID19 patients
- Details
- Friday, 04 September 2020 - 2:30:50 PM
“Mas mabilis ang paggaling mula sa COVID 19 kapag walang inaalala at walang stress,” ito ang binigyang diin ng mag-asawang Marlon at Soraya Pilapil ng barangay 23 bilang paglalarawan sa kanilang naging karanasan sa temporary health facility ng city government.
Ayon sa kanila, kulang ang mga salita ng pasasalamat upang maipaabot ang kanilang pagtanaw ng utang na loob sa pamahalaang lungsod ng Batangas lalot higit sa mga doctors at nurses ng City Health Office (CHO) na nag-aalaga sa kanila sa may 14 na araw na pamamalagi sa nasabing pasilidad. Kabilang silang mag asawa sa unang batch ng COVID-19 positive patients sa Batangas City.
Si Marlon ay si patient no. 11 habang si Soraya naman si patient no. 14. Bilang isang frontliner, nagkaroon ng exposure si Marlon sa isang confirmed COVID positive ngunit sa kabila ng kanyang pag-iingat, nahawahan pa rin niya ang kanyang kabiyak. Nakaramdam sila ng labis na pagkabahala at pag-aalala hindi para sa kanilang sarili, kundi para sa dalawang anak na edad 12 at 6.
Bagamat negative ang resulta ng isinagawang swab test sa mga ito, nanatiling kasama ni Soraya ang mga anak sa facility para sa tuloy tuloy na health monitoring. Ang pag-aalala ay napalitan ng “peace of mind” habang sila ay nasa pasilidad, dahil sa maayos nilang kalagayan dito. “Takot na takot po ako, wala kaming hawak na pera, hindi ko alam kung paano kami makakaraos ng mga anak ko, salamat at may ganitong facility ang city,” sabi ni Soraya.
Ayon pa rin sa kanya, maayos ang kanilang akomodasyon, libre ang gamot at pagkain at inalagaan sila ng CHO hindi lamang physically lalo’t higit ay mentally sa pamamagitan ng mga paalaala at mga payo na nagpalakas ng kanilang loob. Kahit magkahiwalay silang mag-asawa ng silid, maya’t maya naman ang kanilang video call, at sabay-sabay silang mag-anak sa pagro-rosaryo tuwing ala-sais ng gabi.
Naunang lumabas at nakauwi si Marlon kasama ang dalawang anak at makalipas ang ilang araw ay kasunod na rin si Soraya. Ginugol nila ang karagdagang 14 na araw sa pagpapagaling. Nagpalakas din ng kanilang loob ang magagandang mensahe mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan. At hanggang ngayon ay mahigpit pa rin sila sa pagsunod sa mga health protocols para protektahan ang kanilang sarili at maging ang mga taong nakakasalamuha nila.
Ayon pa din kina Marlon at Soraya, pinatibay ng kanilang karanasan sa paglaban sa COVID19 ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.