- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Online consultation para sa mga senior citizens, inilunsad
- Details
- Friday, 04 September 2020 - 2:38:11 PM
Bilang pangangalaga sa kulusugan at upang masiguro ang kaligtasan ng mga senior citizens sa lungsod ngayong panahon ng pandemya, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang online consultation kamakailan. Ito ay ayon sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Kailangan lamang idownload ang Viber application sa Play Store or App Store at ipadala ang pangalan, edad, address, health concern, picture ng senior citizen ID, laboratory results kung meron at ng lumang reseta upang malaman ng mga doctor ang medical history ng pasyente.
Ang konsultasyon ay mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 – 11:00 ng umaga. Samantala, bilang pag-iingat pa din sa COVID19, pinapayagan ng OSCA ang mga kamag-anak, kaibigan o kakilala ng isang senior citizen na kumuha ng application form para sa mga ito upang mag-apply ng bagong senior citizen ID, magrenew nito gayundin ang pagkuha ng bagong purchase booklet.
Ito ay upang hindi na pumunta pa ang mga nakatatanda sa kanilang tanggapan. Ibabalik ang form sa OSCA kalakip ang lumang senior ID at apat na 1x1 picture na asul ang background upang kaagad na maproseso. Kung kukuha naman ng purchase booklet dalhin din lamang ang lumang booklet upang mapalitan ng bago.
Mahigpit na ipinatutupad ng OSCA ang health at safety protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield bilang pag-iingat sa virus. Sa kasalukuyan, may humigit kumulang na 30,000 senior citizens ang Batangas City. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.