Kaarawan ng Mahal na Birheng Maria, ipinagdiwang

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Bilang pagdiriwang sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria na ginugunita ng simbahang Katolika tuwing ika-8 ng Setyembre, nagsagawa ng Marian procession ang San Pascual Baylon Parish kasama ang 15 titles ni mama Mary noong September 6. Ito ang unang pagkakataon na magdaos ng naturang gawain sa pangunguna ng San Pascual Baylon Parish. Ito ay ang pagsasama sama ng ibat-ibang imahen ng Mahal na Birhen mula sa iba’t ibang simbahan at parokya sa Batangas.

Ang prusisyon ay inilibot sa poblacion ng bayan ng San Pascual. Kabilang sa mga imahe ng Birheng Maria na iprinusisiyon ay ang Our Mother of Perpetual Help, Our Lady of Mount Carmel, Mary Meditarix of All Grace, Our Lady of Fatima, Our Lady of the Miraculous Medal, Our Lady of the Most Holy Rosary, Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje, La Custurera Maria, Mater Purisima, St. Mary Lady of Grace, Our Lady of Guadalupe, Our Lady of Lourdes, Nuestra Señora de Las Flores, Our Lady of Sorrows, Our Lady of Caysasay at ang La Inmaculada Concepcion de Batangan ng Batangas City. Nagpaabot ng pasasalamat si San Pascual Baylon parish priest Rev. Fr. Mateo L. Orario kasama si Parish Pastoral Council coordinator Bro. Sergel I. Dacut sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maisagawa ng maayos ang naturang prusisyon. Kaugnay nito, binigyan nila lahat ng participants’ ng certificate of participation at imahe ng Our Lady of the Most Blessed Sacrament.

Tinanggap ni Atty. Reginald Dimacuha ang nasabing token bilang kinatawan ng Pangulo ng samahang Cofradia dela Inmaculada Concepcion ng lungsod ng Batangas. (PIO Batangas City)

-Ctto of the pics.