- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Striktong health at safety protocols laban sa COVID-19 ipatutupad
- Details
- Monday, 15 March 2021 - 2:20:10 PM
Agad pagmumultahin ng P5,000.00 ang sinumang mahuhuling walang suot o hindi tama ang pagsusuot ng face mask sa labas ng bahay at hindi na bibigyang babala pa ayon sa napagkasunduan sa pagpupulong ng Batangas City IATF ngayong araw.
Ang nasabing hakbang ay kaugnay ng mas istriktong implementasyon ng health and safety protocols sa lungsod upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan laban sa mga bagong variant ng coronavirus.
Dahil dito, magsasagawa ng mahigpit na monitoring at enforcement ng health and safety protocols ang EBDMT at ang Batangas City PNP sa mga business establishments tulad ng shopping malls, supermarkets, restaurants, eateries at iba pang establisimiento. Maaring ipasara ang mga nabanggit kung mahuhuling may paglabag sa health protocols.
Magsasagawa rin ng monitoring sa mga pampublikong sasakyan upang tiyaking nasusunod na 50% capacity lamang nito dapat ang bilang ng pasahero at iba pang protocols tulad ng paglalagay ng plastic barriers, alcohol at dapat siguruhing ang mga pasahero ay naka face shield bukod pa sa suot na face mask. Magkakaroon din ng monitoring sa mga tricycle. Iche-check naman ng mga myembro ng ng coast guard ang mga health and safety protocols sa mga sasakyang pandagat kasama na ang mga bumibyaheng bangka.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta at pagswi-swimming sa mga public beaches. Tanging ang mga hotels at resorts lamang na accredited ng Department of Tourism (DOT), may business permit at permit to operate ang pwedeng magbukas at tumanggap ng bookings. Hindi pa din pinapayagan ang paglabas ng bahay ng mga menor de edad na 14 na taong gulang pababa at senior citizens na 66 taong gulang pataas alinsunod sa IATF guidelines.
Hiniling ni Mayor Beverley Dimacuha kina DILG City Director Ester Dator at ABC President Dondon Dimacuha na tiyakin ang kooperasyon ng mga barangay official upang masiguro ang striktong pagpapatupad ng mga health protocols sa kani-kanilang barangay. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.