Delivery ng COVID-19 vaccines sa bansa, naantala

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Isang advisory ang inilabas ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC)) para sa mga Regional/Local Vaccination Operation Centers (R/LVOCs), Implementing Units at Vaccination Sites hinggil sa timeline o iskedyul ng deliveries ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa Advisory No. 62 o ang Philippine COVID-19 Vaccine Deployment and Vaccination Campaign na may petsang July 4, 2021, nagkaroon ng delay sa pagdating ng mga bakuna partkular ang Component II ng Sputnik V at ang lingguhang delivery ng Sinovac.

Nakasaad dito ang rekomendasyon ng DOH All Experts Group on Vaccines na kung sakaling tumagal ang delivery, ang 2nd dose ng bakuna ay maari pa ring ibigay makalipas ang tatlo o anim na buwan mula sa petsa ng maibigay ang unang dose nito.

Kung sakaling lumampas sa anim na buwan, hindi kailangang ulitin ang kabuuan ng vaccination series. Kung maaantala rin ang pagbibigay ng 2nd dose, prayoridad itong mabigyan ng alokasyon sa oras na dumating ang mga bakuna.

Ayon naman sa direktiba ng NVOC sa mga local government unit (LGU) para sa NCR+8 areas kabilang ang Batangas City, kailangang unahin ang pagbibigay ng 2nd dose ng Sinovac vaccine sa susunod na dalawang linggo hanggang sa maging regular na muli ang suplay nito. (PIO Batangas City)