- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Brinosa, wagi bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2022
- Details
- Saturday, 15 January 2022 - 8:11:01 PM
Tinanghal na Bb. Lungsod ng Batangas 2022 (virtual edition) ang 22 taong gulang na Marketing student ng Lyceum of the Philippines University (LPU) na si Louell Angel Brinosa ng barangay Alangilan.
Siya ang nagstand out sa may 20 kandidata na lumahok sa ika-31 taong pagtatanghal ng prestihiyosong beauty contest noong January 15 sa Batangas Country Club (BCC). Siya din ang nagkamit ng Best in Modern Filipiniana at Best in Swimsuit award. Siya ay kinoronahan ni Bb Lungsod ng Batangas 2019 na si Jeanette Reyes.Tumanggap si Brinosa ng P 100,000 na cash prize, bouquet, sash at trophy.
Nanalong 1st runner- up at People’s Choice Award si Pauleen Shane Dapul ng barangay Kumintang Ibaba. 2nd runner- up si Karylle Micaela Romillo ng barangay Gulod Labac, 3rd runner- up si Yssa Valerie Villamor ng barangay Poblacion 12 at 4th runner- up naman si Celeste Cananua _ng barangay Poblacion 10. Si Cananua din ang nagwagi bilang Best in Advocacy kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagiging isang youth leader. Siya ay tumanggap ng P25,000 upang magamit sa kanyang adbokasiya. Ilan sa mga iginawad na special awards ay ang Best in Creative Wear na nakamit ni Alexandra Margaret Ibanez ng barangay Pinamucan Proper. Nakakuha ng Photographer’s Choice award, napiling Best in Long Gown at Ms Batangas Country Club (BCC) naman si Tisha Joie Mercado ng barangay Concepcion. Siya ay tumanggap ng P10,000 at magsisilbing Ambasadress ng BCC. Nanalong Ms Friendship si Eloisa Mae Dimaano ng barangay Tinga Labac.
Nagsilbing intermission ang dance number ng Batangas City Government dancers at Likhang Sining Dance Company. Tumayong Chairman ng Board of Judges ang sikat na Batangueño fashion designer na si Renee Salud na syang gumagawa ng kasuotan ng mga kandidata sa nakalipas na 31 taon.
Ipinakita rin ang isang audio-visual presentation bilang tribute kina dating Mayor Eduardo B. Dimacuha at Cultural Affairs Committe (CAC) Vice-chairman Eduardo Borbon na kapwa naging instrumento sa paglago ng sining at kultura sa lungsod at nagpasimula ng Bb Lungsod ng Batangas. Ang Bb Lungsod ng Batangas ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Cultural Affairs Committee (CAC). (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.