- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pagbabakuna ng mga batang 5-11 taong gulang kontra COVID-19, nagsimula na
- Details
- Tuesday, 15 February 2022 - 4:15:30 PM
Mala-circus ang tema ng Event Center ng SM City Batangas sa pagsisimula ng pagbibigay ng COVID-19 vaccine para sa mga batang 5-11 taong gulang sa Batangas City, February 14. May mga mascots, jugglers, uni-cyclist, clowns at life-size robot sa loob ng vaccination area upang maaliw ang mga bata at maalis ang takot sa isasagawang pagbabakuna.
Ang mga ito ay mula sa 12 barangay na naka-schedule bakunahan ngayong araw. Pfizer ang brand ng bakunang ipagkakaloob sa kanila sapagkat ayon sa DOH, ito pa lamang ang mayroong Emergency Use Authorization at inaprubahan ng Food and Drug Administration ng Estados Unidos at ng ating bansa.
Dalawa rin ang doses nito kung saan ang ikalawa ay ibibigay pagkalipas ng 21 araw. Binigyang diin ng DOH na ang mga vaccines na ituturok sa mga bata ay special at modified. Hindi ito kasing dami ng dosage na itinuturok sa mga adults dahil ito ay ginawa para lamang sa age bracket na inilaan para dito Ayon kay Batangas City Health Officer Dr. Rosanna Carmelita Barrion target ng CHO na mabakunahan ang may 44,000 na kabataan sa lungsod.
“May 1,500 na mga bata ang target na mabakunahan ngayong araw at inaasahan natin na dadami pa ang magpapabakuna dahil sa maigting nating kampanya sa magandang epekto ng vaccines sa mga kabataan,” sabi ni Dra. Barrion.
Ang SM City Batangas aniya ang kanilang napiling maging vaccination site dahil ito ang unang nag-signify para maging katuwang nila sa gawaing ito. Malugod namang tinanggap ng pamunuan ng naturang mall ang responsibilidad na ito bilang tulong sa pamahalaang lungsod upang labanan ang COVID19. Samantala, nagpakita ng suporta sina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Cong. Marvey Marino kasama ang Green Team sa pagbisita nila sa vaccination site.
Lubos ang kagalakan ni Mayor Dimacuha sa dami ng mga batang nais magpabakuna gayundin sa suporta ng kanilang mga magulang. “Napakaganda ng feedback na natatanggap natin hinggil sa mga vaccines, lalo na sa mga kabataan. Noong magsimula tayong magroll-out ng bakuna, ang laki ng ibinaba ng mga fatalities hindi lamang sa Batangas City kundi maging sa buong bansa,” sabi ni Mayor Dimacuha. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.