- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Rabies awareness sa lungsod, pinaigting
- Details
- Thursday, 10 March 2022 - 4:14:00 PM
Pinaigting ng City Health Office (CHO) ang kampanya hinggil sa rabis sa pamamagitan ng pamimigay ng mga reading materials sa ibat-ibang barangay sa lungsod bilang paggunita sa Rabies Awareness Month.
Patuloy din ang CHO sa pagbibigay ng libreng bakuna sa mga nakagat ng aso tuwing araw ng Lunes at Huwebes. Humigit kumulang sa 100 kaso ang tinuturukan dito kada araw at karamihan sa mga ito ay mula sa mga alagang aso at pusa. Isa sa mga ito ay ang 8 taong gulang na batang si John Andre Toyado ng barangay Kumintang Ilaya na nakagat ng alagang aso ng kanilang kapitbahay. Lubos naman ang pasasalamat ng may ari ng aso na si Johnmar Ramos sa programa ng pamahalaang lungsod hinggil sa rabis. Hindi na aniya siya gagastos pa ng malaki sa pagpapabakuna dahil libre itong ipinagkakaloob ng CHO. Payo ng CHO na kung sakaling nasugatan o nakagat ng aso, hugasan agad ng sabon at malinis na tubig ang sugat ng 10 minuto o higit pa. Binabawalan din na magpagamot sa tandok o albularyo at sa halip ay pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment center upang magpabakuna ng anti-rabies o anti-tetanus kung kinakailangan.
Ang mga asong nakakagat naman ay dapat itali o ikulong upang ma obserbahan sa loob ng 14 na araw. Iwasan ding patayin sa anumang paraan ang nakakagat na aso o pusa. Kung mamamatay ito sa loob ng 14 na araw, ipaputol ang ulo sa beterinaryo, ilagay sa plastic at ibuhol ng maigi, lagyan ng yelo at dalhin sa RITM sa Alabang o sa Bureau of Animal Industry sa Quezon City upang masuri ang utak. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.