Batangas City , CALABARZON Umalohokan Awardee ng DOH

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Tumanggap ng parangal ang pamahalaang lungsod ng Batangas bilang Local Government Unit (LGU) with best practices sa demand generation at communication strategy para sa National Vaccination Days (NVD) 1 & 2.
Ito ay bahagi ng Umalohokan Award ng Department of Health (DOH) na tinanggap nina City Health Officer Dr. Rosanna Barrion at Liceria Garcia, Nurse Program Coordinator ng National Immunization Program sa idinaos na National Vaccination Days Recognition Awarding noong March 9.

Ayon kay Dr. Barrion, nakita ng Department of Health (DOH) ang maigting na kampanya ng Batangas City sa COVID-19 vaccination gamit ang social media, radio at TV ads at ang iba pang information dissemination platforms, kabilang dito ang panawagan ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga mamamayan para magpabakuna.

Tinanghal rin na Top Performing LGU sa Region 4A ang lungsod sa submission ng Line List Entries para sa buwan ng Pebrero ng Department of Information and Communication Technology (DICT)- Vaccine Information Management System.

Iprinesenta ni Dr. Barrion ang mga plake kay Mayor Dimacuha, March 15. (PIO BAtangas City)