- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kasalang Barangay, itinaguyod ng KALIPI
- Details
- Tuesday, 15 March 2022 - 4:15:00 PM
Naselyuhan ang 31 taong pagsasama ng isang pareha mula sa barangay Banaba South sa Kasalang Barangay na ginanap sa covered court ng naturang barangay ngayong araw.
Sila ay sina Alexis Santos, 49 taong gulang at Lorilyn Camalla, 46 taong gulang, kapwa residente ng barangay Banaba South.
Ang kakulangang pinansyal anila ang dahilan kung kayat matagal silang nagsama nang hindi kasal kasama ang kanilang walong anak.
Sila ay isa lamang sa unang batch na binubuo ng 29 na pares na nakinabang sa libreng maramihang pagpapakasal ng KALIPI.
Ang ikalawang batch naman ay may 31 pares.
Ayon kay KALIPI President Zeny Bagsit, layunin ng kanilang proyekto na mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga myembro mula sa barangay Banaba South at barangay Balagtas na matagal nang nagsasama na maikasal ng libre.
Hiningi nila ang tulong ni Mayor Dimacuha dito upang bukod sa hindi na maabala ang mga magpapakasal sa pagpoproseso ay matulungan din ang mga walang kakayahang gumastos para dito.
Binigyang diin niya ang kagandahan ng naturang proyekto na nataon aniya sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.
Bago ang seremonya, nagbigay ng pangaral si Mayor Dimacuha sa mga bagong kasal upang higit na mapagtibay ang pagsasama ng mga ito.
‘Ang kasal ay isang lifetime commitment, kailangan ng pasensya, pang-unawa at pagpapatawad upang mapatibay ang pagsasama ng mag-asawa,” sabi ni Mayor.
Hiniling din niya na na ipakita ng mga ito sa kanilang mga anak na sila ay nagmamahalan at hiningi ang suporta ng mga ito na palakasin ang pamilyang Batangueno.
Hinikayat niya ang mga bagong kasal na muling magpakasal sa simbahan kung mayroong pagkakataon.
Ang Civil Registrar’s Office (CRO) ang nagaasikaso ng lahat ng mga kailangang dokumento tulad ng marriage license at iba pang requirement sa pagpapakasal.
Ang mga ikinasal ay sumailalim sa marriage counseling, responsible parenthood seminar, parent effectiveness seminar at family development session na makakatulong sa kanila upang maging matatag ang kanilang pamilya sa tulong naman ng Popcomm Division ng City Health Office (CHO).
Dumalo din sa nabanggit na okasyon sina VM Jun Berberabe, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod Pangulo Mario Due ng Banaba South at Pangulong Minda Untiveros ng barangay Balagtas.
Tumanggap din ng regalo ang mga ikinasal mula sa ilang myembro ng Team EBD.
Lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries ng naturang proyekto kay Mayor Dimacuha sa pagkakataong ipinagkaloob na maging legal ang kanilang pagsasama. (PIO BAtangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.