- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Dry-run para sa Mt. Banoy tourism project, isinagawa
- Details
- Wednesday, 06 April 2022 - 4:14:00 PM
Pinangunahan ng Technical Working Committee (TWG) on the Protection and Tourism Development of Mt. Banoy ng pamahalaang lungsod ang dry-run para sa pagbubukas at pagtanggap ng mga turista sa Mt. Banoy noong April 5.
Katuwang ng TWG sa nasabing gawain ang mga opisyales ng barangay, mga kooperatiba at mga residenteng kaisa sa naturang proyekto.
Kabilang naman sa mga naging bisita o turista sa naturang dry-run ay ang mga miyembro ng KALIPI, day care workers, Sangguniang Kabataan officers at ilang empleyado ng pamahalaang lungsod.
Sa isinagawang evaluation, binigyang diin ang safety ng mga turista sa pag-akyat ng bundok lalo na kung masama ang panahon.
Kaugnay nito, magkakaroon ng mas maagang anunsyo at mga paalaala para sa mga turista.
Magtatalaga ng first aid personnel sa bawat shuttle na gagamitin at magkakaroon din ng first aid at information desk sa lowland, midland at upland.
Sasailalim sa higit pang pagsasanay sa tour guiding ang mga tourist guide para maipadama sa mga turista ang mainit na pagtanggap at maging mas kawili-wiling pamamasyal dito.
Bibigyan din sila ng first aid kits.
Upang mapanatili ang kalinisan, ipatutupad ang “basura mo dala mo” kung saan sa registration pa lamang ay bibigyan na ang mga bisita ng lalagyan ng basura.
Hinihikayat rin na magdala ang mga ito ng sariling water tumbler at kailangang ipresenta ang kanilang vaccination card.
Hindi muna itutuloy ang soft opening ng Mt. Banoy sa April 9, dahil sa tinatayang sama ng panahon sa araw na yaon at sa halip ay ipagpapatuloy ang isinasagawang dry-run para sa higit na paghahanda.
Magkakaroon dito ng station of the cross mula Miyekules Santo hanggang Biyernes Santo, kung saan walang papayagang umakyat na sasakyan sa Mt. Banoy sa nabanggit na mga araw. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.