- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City PNP, nagsagawa ng simulation exercise
- Details
- Wednesday, 13 April 2022 - 10:01:19 AM
Isang simulation exercise ang isinagawa ng Batangas City PNP kaninang umaga kung saan isang robbery with homicide incident ang naganap sa national road sa barangay Sampaga, April 12.
Ayon kay Police Major Ericson Go, Deputy Chief of Police ng Batangas City PNP, layunin ng nasabing gawain na magkaroon ng sapat na kahandaan ang mga kapulisan gayundin ang mga opisyales ng barangay kung sakaling magkaroon ng naturang scenario sa lungsod.
Isang pagkakataon din aniya ito upang maipamalas ng mga myembro ng Batangas City PNP at ng mga force multiplier ang kanilang skills sa pagtugon sa mga krimen.
Sa nasabing simulation exercise, isang junk shop owner ang nabaril at napatay ng riding in tandem.
Kasalukuyang nagsasagawa ng surveillance ang ilang myembro ng kapulisan sa naturang lugar at nang marinig ang putok at nakitang patakas ang mga suspects ay agad na sinundan ang mga ito.
Kaagad nagkasa ng dragnet operation kung saan matagumpay na nahuli ang mga suspects.
Binigyang diin ni Go na bago nila isagawa ito, nakipag-ugnayan muna sila sa Tactical Command Center ng lalawigan, sa lokal na pamahalaan, barangay at sa ibat-ibang konsernadong tanggapan.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga resources at training na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod kung kayat matagumpay ang kanilang mga isinasagawang operasyon.
Masasabi din aniyang laging handa ang Batangas City PNP sa mga ganitong sitwasyon dahil sa malaking suporta ni Mayor Beverley Dimacuha.
Samantala, kaugnay ng paggunita sa Mahal ng Araw, nanawagan siya sa lahat na mag ingat sa mga kawatan at siguraduhing magpatupad ng mga security measures sa mga tahanan lalo na kung aalis ng bahay.
Sinabi din niya na nagsimula na ang deployment ng mga kapulisan sa mga place of convergence o matataong lugar at nag-intensify na ang Batangas City PNP ng maximum visibility. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.