- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Training para sa mga myembro ng barangay anti-drug abuse councils isinagawa
- Details
- Thursday, 28 April 2022 - 5:14:52 PM
Training para sa mga myembro ng barangay anti-drug abuse councils isinagawa Nagsagawa ng rollout Training of Trainers for BADAC Advocacy Committee ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Batangas sa Batangas City Sports Center ngayong araw, April 28.
Ayon kay Pol Lt. Diosdado Pasion II, Chief Police Community Relation ng BCPS, layunin ng nasabing gawain na paigtingin ang barangay drug clearing program ng pamahalaan. Ito ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay pag-asa sa mga biktima ng illegal na droga upang makapagbago at makabalik ng normal sa komunidad kasama ang kanilang pamilya.
Sa kasalukuyan, may 19 na barangay na sa lungsod ang drug-cleared. May limang barangay ang nag-aaplay upang mapabilang dito. Kaugnay nito, binigyan sila ng PDEA Batangas ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga hakbang na dapat gawin upang maging drug-cleared.
Ipinabatid ni Plt Col. Salvador Solana, Hepe ng Batangas City Police Station (BCPS) ang drug situation sa lungsod at ang kanilang mga anti-illegal drug accomplishments habang tinalakay naman ng mga kinatawan ng PDEA Batangas ang drug affectation, drug identification at effects of drugs gayundin ang mga guidelines for community involvement in reforming drug offenders upang maging self sufficient at law-abiding members ng lipunan.
Bilang basic unit ng society, hiniling ni DILG City Director Ester Dator sa mga barangay ang suporta at kooperasyon ng mga ito upang mabawasan at masugpo ang problema sa ilegal na droga. Nagbahagi naman si dating Konsehal Armando Lazarte na dumalo bilang kinatawan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ng kanyang mga naging karanasan sa paggamit ng ilegal na droga.
Binigyang diin niya ang masasamang epekto nito at pinayuhan ang lahat na huwag itong subukan. Binangit din niya na bagamat naligaw ng landas, may pag-asang makabangon at magbago ang mga dating “user” nito. Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng mga barangay chairperson, secretaries at iba pang opisyales mula sa 105 barangay ng lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.