- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Appointment ng City Administrator at City Legal Officer, kinumpirma
- Details
- Tuesday, 02 August 2022 - 4:44:10 PM
Nagpahayag ng support of confidence ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod (SP) kina Atty. Narciso Macarandang at Atty. Teodulfo Deguito para sa confirmation ng kanilang posisyon bilang City Administrator at City Legal Officer ng pamahalaang lungsod, August 2.
Kapwa sila humarap sa isinagawang committee hearing ng Committee on Civil Service sa pangunguna ni Councilor Oliver Zaraspe. Si Atty. Deguito ay nagsimula bilang City Legal Officer noong 1979 samantalang naging City Administrator naman si Atty Macarandang noong taong 2001.
Sa pagbabalik ni Mayor Eddie Dimacuha sa pulitika, muli niyang itinalagang City Administrator si Macarandang noong 2015. Ang mga posisyong ito ay co-terminus ng appointing authority alinsunod sa Sec. 481 ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991. Nakasaad din sa RA 7160 na lahat ng mga pinuno ng mga departamento at opisina ay itatalaga ng City Mayor ng may concurrence o pag-apruba ng majority ng lahat ng miyembro ng konseho. Ayon kay Konsehal Nestor Boy Dimacuha, kahanga-hanga ang pagiging kalmado nina Macarandang at Deguito sa anumang uri ng sitwasyon.
“Hindi matatawaran ang dedikasyon at sakripisyo nila para sa lungsod,” sabi ni Dimacuha Itinuring namang pangalawang ama sa SP ni ABC President Angelito Dondon Dimacuha si Macarandang sa dami ng kaniyang natutunan dito pagdating sa parliamentary procedures hanggang sa paggawa ng ordinansa, kay Macarandang siya nagtatanong at nagpapatulong. “Malaki ang ambag ni Atty. Macarandang bilang siya ang kinikilalang “father of ordinances” dahil siya ang may akda ng halos lahat ng mga ordinansa ng lungsod,” sabi niya.
Lubos naman ang pasasalamat ng dalawa sa ipinakitang suporta ng konseho. Ipinangako nila ang 100% commitment sa Batangas City habang kaya pa anila ng kanilang isipan at katawan. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.