Kauna-unahang City/Municipal LGU operational environmental laboratory sa bansa, pinasinayaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey Mariño ang ribbon cutting ceremony ng BRAD Lab na kauna-unahang LGU operational- environmental laboratory sa bansa, August 5. Ang Bringing Responsive Advance and Dedicated o BRAD laboratory for the environment ay matatagpuan sa tanggapan ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) na sya ring mangangasiwa sa operasyon nito.

Ayon kay City Environment Officer Oliver Gonzales, ito ay gagamitin upang masuri ang kalidad ng tubig gaya ng marine water, surface at tubig sa mga ilog. Malalaman din dito kung mayroon itong heavy metal content gayundin ang water potability upang masigurong ligtas itong inumin.

Ayon kay Gonzales sa pamamagitan ng naturang laboratory, magiging mabilis ang aksyon ng mga konsernadong tanggapan ng pamahalaang lungsod sakaling mapapatunayang kontaminado o may pollutants sa tubig. “Kung may findings sa water potability test, kaagad itong i-eendorse sa Sanitation Division ng CHO para sa mitigation procedure.

Kung environmental cocnerns naman, mapapagplanuhan agad ang mga kailangang gawin upang alamin kung saan nanggagaling ang pollutants para sa kaukulang aksyon”’ sabi ni Gonzales. Kasama nina nina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño si Konsehal Karlos Buted sa ceremonial water sample analysis ng tubig mula sa ilog ng Cuta Duluhan. Nakiisa sa blessing at sa nabanggit na ribbon cutting ceremony ang mga Department Heads ng pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)