Cardelyn Hernandez, wagi bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2023

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

 

Tinanghal na Bb. Lungsod ng Batangas 2023 ang 22 taong gulang na "beauty and brains" na kinatawan ng barangay Calicanto na si Cardelyn Hernandez.
Siya ang nagstand out sa may 20 kandidata na lumahok sa ika-32 taong pagtatanghal ng prestihiyosong beauty contest noong January 15 sa Batangas City Sports Center
Siya ay kinoronahan ni Bb Lungsod ng Batangas 2022 na si Louell Angel Brinosa. Tumanggap si Hernandez ng P 100,000 na cash prize, bouquet, sash at trophy.
Siya ang napiling Ms Asian Vision, Ms Charity at nakakuha ng Best in Filipiniana costume.

Si Cardelyn din ang nagwagi bilang Ms Tanduay na syang magiging muse ng Batangas City Tanduay Athletics team sa pagbubukas ng MPBL sa Marso.
Nanalong 1st runner- up si Andrea Isabel Gutierrez ng barangay Poblacion 21.

2nd runner- up si Maria Shea Macatangay ng barangay Poblacion 2 , 3rd runner- up si Lee Ha Null Bello ng barangay Poblacion 4 at 4th runner- up naman si Maria Angelika Perez ng barangay Kumintang Ilaya.

Nakakuha ng Ms Photogenic award si Marjorie Anne Mangubat ng barangay Calicanto. Nagkamit ng Ms Friendship si Maybelyn Perez ng barangay Ilijan at Best in Swimsuit at Best in Long Gown si Maria Shea Macatangay ng barangay Poblacion 2. Nagperform sa pre-show ang mga mag-aaral mula sa Special Program for the Arts.

Nagbigay naman ng intermission numbers ang mga local artists mula sa Batangas State University, Aaron Regala, Kazaokatu at ang Likhang Sining Dance Troupe.
Pinakilig ni Tawag ng Tanghalan 2016 first runner-up Sam Mangubat at ng P-Pop group na BGYO sa kanilang performance ang kanilang mga fans. 

Tumayong Chairman ng Board of Judges ang Philippine Best Dressed Icon 2022 at former Mutya ng Pilipinas Chairman for National Search. Isa rin sa mga judges ang sikat na Batangueño fashion designer na si Renee Salud na syang gumagawa ng kasuotan ng mga kandidata sa nakalipas na 32 taon.
Ang Bb. Lungsod ng Batangas ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Cultural Affairs Committee (CAC). (PIO Batangas City)