CLB, ginawaran ng Level 1 accreditation certificate ng ALCUCOA

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

 

Ginawaran ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) ng Level 1 accreditation certificate ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) para sa mga programa nito sa mga kursong Bachelor of Science in Elementary Education at Bachelor of Science in Business Administration, January 11.

Ayon kay CLB College Administrator Dr. Lorna Gappi, ang naturang certificate ay confirmation na nakapasa ang curricular programs ng kanilang paaralan sa standards at evaluation ng ALCUCOA.
Ito aniya ay isang milestone at pagpapatunay na napapanatili ng CLB ang mataas na kalidad ng edukasyon.
Ayon naman kay ALCUCOA President and Executive Director Dr. Raymundo P. Arcega, malaki ang kanyang paniniwala na magpapatuloy ang tagumpay ng CLB hanggang sa ito ay makilala hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa rehiyon at sa buong bansa.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng CLB sa lahat ng mga naging instrumento upang makamit ang nabanggit na achievement lalot higit kay Mayor Beverley Rose Dimacuha na tumatayong Chairman ng Board of Trustees dahil sa suportang ipinagkaloob nito upang makamit ang naturang accreditation.
“We will continuously work hard, will refine the best practices and will strive harder upang makamit ang Level 2 accreditation” sabi ni VP for Research, Planning & Development at Chairman ng CLB Accreditation Team na si Dr. Rosanni Del Mundo.
Ang Level 1 accreditation ay nagsimula noong September 2022 at tatagal hanggang September 2025. (PIO Batangas City)